Ex-barangay chairman, itinumba
PAMPANGA, Philippines – Napatay ang 40-anyos na dating barangay chairman matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen sa bisinidad ng Fatima Street sa Barangay Calulut sa San Fernando City, Pampanga noong Huwebes ng umaga. Dalawang tama ng bala ang cal. 45 psitol ang tumapos sa buhay ni Rodrigo Yandan ng Barangay Acli sa bayan ng Mexico, Pampanga. Sa inisyal na ulat ng pulisya na nakarating kay P/Supt. Jean Salvador Fajardo, hepe ng San Fernando City PNP, lumilitaw na pauwi na ang biktimang nagmomotorsiklo matapos ihatid ang kanyang misis sa trabaho nang harangin at ratratin pagsapit sa exit gate ng pribadong kompanya sa nasabing barangay. Kaagad na tumakas ang gunmen sakay ng motorsiklo kung saan narekober naman sa crime scene ang anim na basyo ng bala ng cal. 45 pistol.
- Latest