^

Probinsiya

Lider ng drug syndicate, 4 pa tiklo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nalansag ng mga awtoridad ang notoryus na sindikato ng droga kasunod ng pagkakaaresto sa lider ng grupo at apat na tauhan nito sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Poblacion, bayan ng Nabunturan, Compostela Valley noong Martes ng hapon.

Sa ulat ni P/Supt Danilo Macerin na isinumite sa Camp Crame, kinilala ang lider ng Alfeche drug group na si Roberto Barago Alfeche, alyas Bobby, 41.

Arestado rin ang mga kasamahan nitong tulak na sina Adonis Alforgue “Boboy” Guron, 25; Alejandro Tagudi, 29; Relly Boy “Biboy” Timogtimog Patilang, 21; at si Jessica  Ago “F” Brudios.

Ayon kay Macerin, bandang alas-4:15 ng hapon nang ilatag ang buy bust operation laban sa mga suspek sa Purok 2.

Hindi na nakapalag ang mga suspek matapos na mahulog sa bitag ng mga operatiba ng pulisya.

Nasamsam sa mga suspek ang 14 plastic sachets ng shabu, 9 kilograms na nagkakahalaga ng P80,000, mga drug paraphernalia, limang cellular phone, cash at mga bala.

Nabatid na nakatanggap  ng impormasyon ang mga awtoridad hinggil sa pagkakasangkot ng sindikato ng droga sa talamak na pagbebenta ng shabu sa lalawigan.

Inihayag pa ng opisyal na sinampahan na ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Drugs Act) at RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) ang mga suspek.

CEBU ENTERTAINMENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with