^

Probinsiya

Indian trader dedo sa tandem

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Isang Indian national na may negosyong pagpapautang ang nasawi matapos na tambangan ng motorcycle riding in tandem sa Brgy. Sta. Rosa 1, Marilao, Bulacan kahapon ng umaga. Pitong tama ng bala ang tinamo ng biktima na si Vifan Bhatti, 32, tubong Punjabi, India at residente ng Brgy. Bunlo, Bocaue. Sa ulat ni PO3 Marcelo Galsim, alas-6:30 ng umaga habang binabagtas ng biktima ang kahabaan ng Raymundo St., Brgy. Sta. Rosa 1 patungo sa Northville 4, Brgy. Lambakin lulan ng pag-aaring motorsiklong Honda Wave (OO-4317) upang maningil ng mga pautang nang bigla siyang habulin ng isa pang motorsiklo lulan ang mga suspek. Nang matapatan, agad na pinaputukan ng sunud-sunod ang biktima. Narekober sa crime scene ang pitong basyo ng 9mm kalibre na baril habang nawawala ang nakolektang pera nito.

vuukle comment

ANG

BOCAUE

BRGY

BULACAN

BUNLO

HONDA WAVE

ISANG INDIAN

LAMBAKIN

MARCELO GALSIM

RAYMUNDO ST.

VIFAN BHATTI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with