^

Probinsiya

Pusher tiklo, P.9-M shabu samsam

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasamsam ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang may P900,000 halaga ng shabu sa isang buy-bust operation sa Bacolod City, iniulat kahapon.

Ayon kay PDEA Director General Usec. Arturo Cacdac Jr.,  ang naturang droga ay nakumpiska mula sa isang Jessie Elefan, 32, isa umanong high-value drug personality ng Purok Everla, Brgy. 34, Bacolod City, Negros Occidental.

Sinasabing isang PDEA poseur-buyer  ang naki­pagkasundo kay Elefan na magkita sa may kahabaan ng San Sebastian Street, Barangay 15 sa Bacolod City upang bumili ng isang plastic sachet ng shabu. Nang magkita at makuha ang bayad ng droga, agad na dinakip ng mga ahente ng PDEA Negros Island Regional Office (PDEA-NIRO) at PDEA Regional Office 6 (PDEA RO6) si Elefan.

Nakuha mula kay Elefan ang 150 gramo ng shabu na nasa limang transpa­rent plastic sachets na may street value na P900,000.

Nahaharap si Elefan sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

ACIRC

ARTURO CACDAC JR.

BACOLOD CITY

DIRECTOR GENERAL USEC

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS ACT

ELEFAN

JESSIE ELEFAN

NEGROS ISLAND REGIONAL OFFICE

NEGROS OCCIDENTAL

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with