Ina nabaril ng anak, grabe
MANILA, Philippines – Nakikipaglaban kay kamatayan ang 64-anyos na nanay matapos itong aksidenteng mabaril ng kaniyang anak na lalaki sa bayan ng Tungawan, Zamboanga Sibugay kamakalawa. Sa police report na isinumite sa Camp Crame, naitala ang insidente sa bahay ng manugang na lalaki ng biktimang si Melisma Balano sa Barangay Balaran bandang alas-5:30 ng hapon. Lumitaw sa imbestigasyon na naghahanda ng hapunan ang biktima nang dumating ang anak nitong si Nathaniel Balano at nililinis ang cal. 9mm pistol sa harapan ng kaniyang ina. Gayon pa man, aksidente itong pumutok na tumama sa paa ng biktima. Agad namang isinugod sa pagamutan ang matanda habang wala namang plano ang biktima na sampahan ng kaso ang sarili nitong anak hindi naman nito sinasadya ang pangyayari.
- Latest