^

Probinsiya

12 katao timbog sa shabu at baril

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Nadakip ng mga otoridad ang 12 kalalakihan na umano ay nagpapakalat ng shabu sa kanilang lugar sa magkahiwalay na drug raid sa Meycauayan City, San Jose Del Monte City at Guiguinto pawang sa lalawigang ito.

Kinilala ang mga suspek na sina Edison Aguilar 42 ng Brgy. Bancal, Meycauayan City, Rommel Vinluan 30, at Jayson Bautista 44 kapwa ng Brgy. Tiaong, Guiguinto, Jeffrey “Epot” Zozbrado 36, Jeffrey Paquiz 30, Reneboy Cabug 33, Jacinto Rojo Jr 32, Frankie Lumalan 37, Galeled Pavillar 36, Joey Samillano, 35, Leo Villones, 26, at John Paul Ilenon 25 pawang mga residente ng Brgy. Yakal at Brgy. Narra sa San Jose Del Monte City.

Dakong ala 9:20 ng gabi unang naaresto ng mga otoridad si Aguilar matapos na bentahan ng isang sachet ng shabu ang isang poseur buyer na pulis sa tabi ng kanyang bahay sa Brgy. Bancal at nang kapkapan ay dito na nakakuha ng 7 pang sachet ng shabu at isang .22 magnum revolber na baril at mga bala.

Kasunod nito ay naaresto naman sina Vinluan at Bautista sa isang lugar sa Brgy. Tiaong, Guiguinto at nakarekober ang 17 sachet ng shabu at P500 pisong marked money.

Samantala, dakong alas 11:00 naman ng gabi ay naaresto si Zozbrado alyas Epot sa isang lugar sa Brgy. Narra, San Jose Del Monte City ngunit nakatunog ito saka tumakbo sa kanyang bahay at nang habulin siya ay naaresto naman ang walong iba pa na kasalukuyang nagsasagawa ng pot session at nakarekober ng 15 sachet at iba’t ibang mga drug paraphernalias.

BRGY

EDISON AGUILAR

EPOT

FRANKIE LUMALAN

GALELED PAVILLAR

GUIGUINTO

JACINTO ROJO JR

JAYSON BAUTISTA

JEFFREY PAQUIZ

MEYCAUAYAN CITY

SAN JOSE DEL MONTE CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with