100 bahay nasunog, Boracay nawalan ng kuryente
MANILA, Philippines — Problema pa bago magpasko ang naranasan ng mga nasa Boracay Island matapos mawalan sila ng kuryente dahil sa sunog na tumupok sa nasa 100 bahay.
Ayon sa ulat, bukod sa mga bahay ay nasunog din ang ilang establisyamento sa Sitio Ambulong, Barangay Manoc-Manoc, Aklan bandang 10:30 ng umaga.
Nahirapan na maapula ang apoy dahil sa malakas na hangin sa isla.
Hindi pa naman matiyak ang sanhi ng sunog at kung magkano ang pinsala nito.
Maraming dayuhan at lokal na turista ang nasa isla ng Boracay upabg magbakasyon ngayong Christmas season.
Ito na ang ikalawang sunog na naitala sa isla ngayong taon.
- Latest