^

Probinsiya

Mag-asawa dedo sa road mishap

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Hindi na maipagdiriwang ng mag-asawa ang Kapaskuhan na kapiling ang kanilang pamil­ya matapos na masangkot ang kanilang sasakyan at dalawang iba pa sa malagim na sakuna sa kahabaan ng North Luzon Expressway sa Barangay Malhacan, Meycauayan City, Bulacan kahapon ng umaga.

Naisugod pa sa Valenzuela General Hospital ng rescue team subalit hindi na umabot pa ng buhay ang mag-asawang sina Fernando Cordero, 64; at Isidra Cordero, 60, kapwa nakatira sa Gen. Luna St., Malabon City.

Sumuko sa pulisya ang drayber na si Reymar Lucenio, 25, ng Harmony Hills II, Brgy. Loma De Gato, bayan ng Marilao, Bulacan habang tumakas naman ang isa pang drayber ng closed van na hindi naplakahan.

Sa ulat na natanggap ni PO3 Robert Bergado, lulan ng owner-type jeep (NPD-396) ang mag-asawa nang salpukin nito ang sinusundang closed van sa lane 3 ng nasabing highway.

Nabangga naman ng Isuzu Elf drop side na minamaneho ni Lucenio ang likurang bahagi ng jeep ng mag-asawa kaya nawalan ng control sa manibela ng jeep ang driver na si Fernando.

Dito na sumalpok sa concrete barrier ang jeep ng mag-asawa na kapwa nawalan ng malay.

Kaagad namang sumaklolo ang rescue team kung saan hindi na umabot ng buhay sa ospital ang mag-asawa.

vuukle comment

ANG

BARANGAY MALHACAN

BULACAN

FERNANDO CORDERO

HARMONY HILLS

ISIDRA CORDERO

ISUZU ELF

LOMA DE GATO

LUNA ST.

MALABON CITY

MEYCAUAYAN CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with