^

Probinsiya

Guro patay sa pananaga

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 24-anyos na guro habang sugatan naman ang isa pa makaraang pagtatagain ng hindi kilalang lalaki sa Barangay Ned Lake Sebu, South Cotabato kamakalawa ng gabi. Kinilala ang napatay na si Joy Rojo habang naka-survive naman ang kasama nito na si Jereyn Lapidez, 27, na sugatan din sa insidente matapos na makatakas, kapwa nagtuturo sa Tuluksubong Elementary School sa nasabing barangay. Ayon kay P/Chief Insp. Joven Bagaygay, hepe ng Lake Sebu PNP, matutulog na sana ang mga biktima sa staff house ng paaralan nang pasukin at pagtatagain ng hindi kilalang suspek.

Napag-alamang sa staff house ng paaralan natutulog ang mga biktima sa tuwing may klase dahil malayo ang bahay ng mga ito. Patuloy naman na inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek.

vuukle comment

ANG

AYON

BARANGAY NED LAKE SEBU

CHIEF INSP

JEREYN LAPIDEZ

JOVEN BAGAYGAY

JOY ROJO

KINILALA

LAKE SEBU

SOUTH COTABATO

TULUKSUBONG ELEMENTARY SCHOOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with