Anak dedo sa taga at palo ng ama
BUENAVISTA,QUEZON, Philippines – Namatay noon din ang isang 24-anyos na magsasaka matapos na siya ay pagtatagain at paluin ng kanyang sariling ama naganap kamakalawa ng gabi sa kanilang bukid sa Barangay Lilukin ng bayang ito.
Ang biktima na tadtad ng taga sa iba’t ibang parte ng katawan at basag ang bungo ay kinilalang si Mark Jay Navera.
Habang ang suspek na ama nito na si Rodolfo Navera, 54 ay agad naaresto.
Lumalabas sa imbestigasyon na bandang alas-6:40 ng gabi ay kapwa nasa bukid ang mag-ama at pinag-uusapan ang gagawin nila kinabukasan nang sa hindi malamang kadahilanan ay nagkaroon ang mga ito mainitang pagtatalo.
Tumalikod ang anak para hindi na humaba ang pagtatalo nilang mag-ama, subalit agad siyang pinalo sa ulo ng matigas na bagay ng ama.
Nang humandusay sa damuhan ay pinagtataga pa ito ng ama hanggang sa tuluyang mamatay.
- Latest