^

Probinsiya

Nene pisak sa gumuhong riprap

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang 9-anyos na nene makaraang mabagsakan nang gumuhong riprap sa  Barangay Bagong Nayon sa Antipolo City, Rizal noong Sabado ng hapon. Sa ulat ng Antipolo PNP, naganap ang insidente sa bahay ng biktimang si Erica Kim Paclibar ng Sitio Kasapi sa nabanggit na bayan. Napag-alamang nagpapakain ng mga alagang manok ang biktima nang biglang gumuho ang riprap at natabunan ito. Inabot ng anim na oras ang search and rescue operation bago tuluyang narekober ang bangkay ng bata. Ayon kay Xavier Baldoz, officer-in-charge ng Antipolo-CDRRMO, hindi bababa sa limang kabahayan ang natabunan ng gumuhong riprap. Inaalam pa ng pulisya kung ang road-widening project ang isa sa posibleng dahilan nang pagguho.

vuukle comment

ANG

ANTIPOLO CITY

AYON

BARANGAY BAGONG NAYON

ERICA KIM PACLIBAR

INAALAM

INABOT

NAPAG

PATAY

SITIO KASAPI

XAVIER BALDOZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with