^

Probinsiya

Trader kumasa sa holdaper, dedo

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Napatay ang 43-anyos na lady trader matapos itong pagtulungang saksakin ng dalawang holdaper sa madilim na bahagi ng Barangay Tampok sa bayan ng Hagonoy, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Nagtamo ng 27-saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan at nagawa pang maisugod sa Maborrang Hospital sa Brgy.Sto.Niño subalit idineklarang patay si Jennifer Marmolejo, may-ari ng sari-sari store at nakatira sa Purok 4 sa nasabing barangay.

Sa imbestigasyon ni PO2 Roderick Velano, pauwi na ang biktima matapos na magsara ng kanyang tindahan nang mapagawi ito sa madilim na bahagi ng naturang lugar.

Dito na sumulpot sa kanyang likuran ang dalawang lalaki kung saan nagdeklara ng holdap. Gayon pa man, lumaban ang biktima kaya pinagtulungan siyang saksakin hanggang sa duguang bumulagta.

Nagkataon namang nag­lalakad ang mga ka­anak ng biktima upang salubu­ngin siya subalit namataan namang nakabulagta na naghihingalo kaya kaagad na isinugod sa ospital pero hindi na umabot ng buhay.

vuukle comment

ACIRC

ATILDE

BARANGAY TAMPOK

BRGY

BULACAN

DITO

GAYON

HAGONOY

JENNIFER MARMOLEJO

MABORRANG HOSPITAL

RODERICK VELANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with