^

Probinsiya

Driver nanghipo ng ari ng pulis, kalaboso

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bagsak kalaboso ang 63-anyos na matandang driver matapos itong masangkot sa panghihipo ng ari ng babaeng pulis na nagsasagawa ng security operation sa terminal ng bus sa Baguio City, kamakalawa.

Nahaharap ngayon sa kasong acts of lasciviousness at unjust vexation ang suspek na  si Danilo Reyes Santos ng Aurora at driver ng Genesis Bus Transport Inc.

Ipinagharap ng reklamo ng biktimang pulis na may ranggong SPO1 at miyembro ng City Public Safety  Company ng Baguio City PNP.

Sa ulat ng Cordillera Provincial PNP na isinumite sa Camp Crame, dakong alas-9:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa bisinidad ng Dagupan Bus Terminal sa Gov. Pack Road sa nabanggit na lungsod.

Nabatid na nagsasagawa ng paneling at security patrol ang mga miyembro ng CPSC na kabilang ang biktima sa terminal ng bus nang bigla na lamang hipuin ng suspek ang ari ng biktima.

Agad namang inaresto ng mga kasamahang pulis ng biktimang SPO1 ang bastos na driver saka kinasuhan.

 

vuukle comment

ANG

BAGSAK

BAGUIO CITY

CAMP CRAME

CITY PUBLIC SAFETY

CORDILLERA PROVINCIAL

DAGUPAN BUS TERMINAL

DANILO REYES SANTOS

GENESIS BUS TRANSPORT INC

IPINAGHARAP

PACK ROAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with