^

Probinsiya

Mag-asawa todas sa ambush

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Magkasabay na sinalubong ni kamatayan ang mag-asawang matanda makaraang tambangan ng hindi kilalang lalaki sa kahabaan ng kalsada sa Barangay Broce, SPDA Village sa Cotabato City, Maguindanao kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mag-asawa na sina George Busque, 70, dating kawani ng Human Resource and Management Office; at Malou Busque, consultant ni Cotabato City Mayor Japal Guiani Jr.

Sa police report na isinumite sa Camp Crame, pauwi na ang mag-asawang lulan ng Toyota Avanza na may plakang LGW 640 mula sa Cotabato City nang tambangan pagsapit sa bahagi ng 5th road ng nasabing Barangay.

Kahit sugatan ay nagawa pang imaneho ni George ang sasakyan na may 100 metro subalit sinundan ng gunman saka muling pinagbabaril hanggang sa mapatay.

Ayon kay P/Chief Insp. Lendsy Sinsuat, hepe ng Datu Odin Sinsuat PNP, narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 9mm pistol habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Ito na ang ikalawang insidente ng pananambang sa nasabing bayan kung saan unang inambus at napatay ang limang kawani ng lokal na pamahalaan noong Lunes (Oct 26).

vuukle comment

ANG

BARANGAY BROCE

CAMP CRAME

CHIEF INSP

COTABATO CITY

COTABATO CITY MAYOR JAPAL GUIANI JR.

DATU ODIN SINSUAT

GEORGE BUSQUE

HUMAN RESOURCE AND MANAGEMENT OFFICE

LENDSY SINSUAT

MALOU BUSQUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with