Rep. Fermin naalarma sa Alvarado Express
BULACAN, Philippines - Naalarma si Bulacan 1st District Rep. Michael C. Fermin sa sinasabing pagmamadali ni Governor Wilhelmino Sy-Alvarado na magdeklara ng state of calamity sa nasabing lalawigan sanhi ng pinsala ng bagyong Lando. Sinabi ni Fermin na muling ginagamit ang Alvarado Express upang pabilisin ang proseso ng paglalabas ng pondo ng Kapitolyo kahit walang malinaw na paglalagakan nito. Hindi naman tumututol si Fermin sa paglalagay muli ng state of calamity subalit ikinatakot aniya ang kawalan ng transparency at accountability sa parte ng administrasyon. Pinangangambahan ni Fermin na maaaring magamit sa eleksyon ang pondo ng lalawigan in disguise of projects. Sinabi pa ni Fermin na wala pang isang buwan nang magdeklara ng state of calamity ang buong lalawigan dahil sa mataas na bilang ng kaso ng dengue. Subalit hanggang ngayong ay hindi pa nakapagbibigay si Gov. Alvarado ng ulat kung saan ginamit ang P40 millyong pondo para sa dengue kung saan aabot sa P1.165? milyon ay ginamit sa pag-imprenta lamang ng mga tarpaulin. Dahil dito, hiniling ni Fermin na magsumite ang gobernador ng liquidation report bago muling isalang sa panibagong state of calamity ang lalawigan. Samantala, hindi naman makontak si Gov. Alvarado para mag bigay ng pahayag kaugnay sa ang mga akusasyon ni Fermin.
- Latest