Shootout: Puganteng pusher utas
BULACAN, Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa 44-anyos na puganteng drug pusher matapos itong makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa Barangay Mercado, bayan ng Hagonoy, Bulacan kamakalawa ng gabi. Dalawang tama ng bala ang tumapos sa buhay ni Lorenzo De Leon ng Purok 4 sa nasabing barangay. Sa ulat na isinumite kay P/Senior Supt. Ferdinand Divina, sinalakay ng pulisya ang pinagkukutaan ni Lorenzo kung saan nakipagbarilan ito hanggang sa mapatay. Si Lorenzo ay naunang nasakote sa buy-bust operation ay nakapuga sa kasagsagan ng bagyong Lando kung saan sinamantala nito ang mataas na tubig-baha na pumasok sa himpilan ng pulisya. Narekober kay Lorenzo ang magasine ng cal.45 pistol, ilang pakete ng shabu, granada at motorsiklo.
- Latest