^

Probinsiya

2 dalagita ginilitan ng adik na tiyuhin

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Masaklap na kamata­yan ang sinapit ng dalawang dalagita makaraang gilitan ng adik na tiyuhin bago nag-suicide ang huli sa Barangay Napo, Carcar City, Cebu noong Lunes ng gabi.

Kinilala ang magka­patid na sina Charmaine Mangyao, 16; at Rosalyn Mangyao, 11, habang nag-suicide naman ang suspek na si Domingo Mangyao matapos gilitan ang sarili.

Samantala, masuwer­te namang nakaligtas ang dalawa pang naka­ba­batang kapatid na kap­wa 4-anyos matapos makapagtago.

Sa ulat ng Cebu PNP na isinumite sa Camp Crame, naitala ang krimen sa bahay ng pamilya Mangyao sa nasabing barangay bandang alas-10 ng gabi.

Ayon sa imbestigasyon, mahimbing na natutulog ang magkapatid nang pasukin ng kanilang tiyuhin na kapatid ng kanilang amang si Ranulfo Mangyao kung saan walang awang magkakasunod na pinagtataga bago gilitan.

Matapos patayin ang mag-utol ay nagpatiwakal din ang tiyuhin matapos na laslasin ang kaniyang leeg gamit ang itak.

Nabatid na ang suspek ay may dating kaso ng pangho-hostage at illegal possession of firearms.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BARANGAY NAPO

CAMP CRAME

CARCAR CITY

CEBU

CHARMAINE MANGYAO

DOMINGO MANGYAO

RANULFO MANGYAO

ROSALYN MANGYAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with