^

Probinsiya

3 bombers ng NGCP tower natimbog!

Joy Cantos at Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines –  Tatlong lalaki na hinihinalang nasa likod ng pambobomba sa dalawang transmission tower ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) kamakailan ang nasakote sa isang checkpoint sa Pikit, North Cotabato kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Chief Inspector Raymund Sarmogenes, company commander ng 2nd Maneuver  Company ng Regional Public Safety Battalion (RPSB) ang mga nasakoteng suspek na sina Sam Hasan ng Datu Paglas, Maguindanao; Jonathan  Pangawilan at Kuyog Sultan.

 Bandang alas-10 ng gabi nang masakote ang mga suspek matapos silang masabat lulan ng Kawasaki motorcycle (MG7541) sa checkpoint na inilatag ng RPSB sa Fort Pikit. Tinangka pang umiwas ng mga suspek subalit na nakorner na sila ng mga awtoridad at nakuha sa kanilang pag-iingat ang isang granada, electrical wires at iba pang mga sangkap sa paggawa ng bomba.

 Magugunita na pinasabog ng mga armadong kalalakihan ang NGCP Tower 44 at 45 noong Oktubre 9 sa Pikit, Cotabato dahilan ng malawakang blackout sa Cotabato City at ilang bayan ng Maguindanao.

CHIEF INSPECTOR RAYMUND SARMOGENES

COTABATO (NORTH)

COTABATO CITY

DATU PAGLAS

FORT PIKIT

KUYOG SULTAN

MAGUINDANAO

NATIONAL GRID CORPORATION OF THE PHILIPPINES

NORTH COTABATO

PIKIT

REGIONAL PUBLIC SAFETY BATTALION

SAM HASAN

SOCCSKSARGEN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with