^

Probinsiya

4 minasaker dahil sa ‘dowry’

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa pagtangging ibalik ang dote (dowry), pinagbabaril ng desperadong mister at kaniyang mga kasamahan ang pamilya ng kaniyang misis kung saan napatay ang biye­nan nito, dalawang iba pa at apong lalaki habang dalawa naman ang malubhang nasugatan sa naganap na masaker sa bayan ng Banguigui sa Sulu kahapon ng madaling araw.

Kabilang sa nga biktima napatay ay si Junaid Ayyub, 52; anak nitong si Auja Ayyub,16; Almasin Ayyub,10; at ang anak na si Adzar Sanani, 3.

Malubha naman na sina Alnaid Ayyub,15; at Rena Ayyub, 9, mga anak ni Junaid.

Sa ulat ni Brig. Gen. Alan Arrojado, commander ng Joint Task Group Sulu na isinumite sa Camp Aguinaldo,  naganap ang masaker sa bahay ng pamilya Ayyub sa Barangay Sigumbal  dakong ala-una ng madaling araw.

Ayon kay Arrojado, tatlong kalalakihan, isa rito na may alyas na Asan mula sa bayan ng Omar ang sumulpot at puwersahang pinasok ang bahay ng pamilya.

Lumilitaw na nag-ugat ang insidente sa paghihiwalay ni Asan at ng misis nito na anak ni Junaid kung saan iniwan ang mister at umuwi ito sa kaniyang pamilya sa bayan ng Banguingui.

Nagmatigas ang misis ni Asan na makipagbalikan kung saan hinihirit naman ng kabilang panig na ibalik ang dote na ibinigay nila sa pamilya Junaid nang magpakasal ang dalawa.

 

vuukle comment

ADZAR SANANI

ALAN ARROJADO

ALMASIN AYYUB

ALNAID AYYUB

ANG

ASAN

AUJA AYYUB

BARANGAY SIGUMBAL

CAMP AGUINALDO

JOINT TASK GROUP SULU

JUNAID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with