^

Probinsiya

12 sugatan sa araro ng bus

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Umabot sa 12-katao habang anim namang sasakyan ang nawasak makaraang  suyurin ng pampasaherong bus sa kahabaan ng Andaya Highway sa Barangay Tara, bayan ng Sipocot, Camarines Sur kahapon ng madaling araw. Kabilang sa mga sugatang biktima na isinugod sa Sipocot District Hospital ay sina Salvacion Araojo, Teresita Alivo, Mary Ann Alcaide, Nomer Nunez, Jesus Bolanos, TonTon Guzman, May Amor Rico, Heart Princess Guzman, Elwida Barola, Carmel RaeRyes, Erlinda Sabanal, at si Rochile Morales na mga pasahero ng RMB Bus Liner na may plakang UYA 738.Sa police report na isinumite sa Camp Simeon Ola,  sinuyod ng bus na minamaneho ni Arturo Sireno na patungong Tabaco City mula sa Pasay City ang mga nakaparadang traysikel, dalawang motorsiklo. Maging ang Villegas Transit Bus (THX 493) ni Alvin Fernandez at ang 10-wheeler truck (TXK 485) ni Edwin Callos ay sinalpok din ng bus kung saan bumulusok ito sa mababaw na bangin.

ALVIN FERNANDEZ

ANDAYA HIGHWAY

ARTURO SIRENO

BARANGAY TARA

BUS LINER

CAMARINES SUR

CAMP SIMEON OLA

EDWIN CALLOS

ELWIDA BAROLA

ERLINDA SABANAL

HEART PRINCESS GUZMAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with