^

Probinsiya

Babaeng tanod itinumba sa tindahan

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

CANDELARIA, QUEZON, Philippines – Bumulagta sa loob ng kanyang tindahan ang isang babaeng barangay tanod matapos na barilin ng isang hindi nakikilalang salarin kamakalawa ng umaga sa Barangay Sta. Catalina Norte, bayang ito. Kinilala ni P/Supt. Art Brual Jr. ang biktimang nagtamo ng isang tama ng kalibre 45 sa dibdib na si Marilyn Sta. Maria, 51, may-asawa ng nasabing lugar. Dakong alas-4:45 ng umaga habang nakaupo sa loob ng kanyang tindahan ang biktima  nang lapitan ng suspek na nagkunwaring bibili ng sigarilyo. Habang iniaabot  ng biktima sa suspek ang binili nito ay sinabayan naman siya ng tutok ng baril at saka ipinutok. Nang bumulagta ang biktima, naglakad lamang patakas ang suspek na parang walang nangyari. Inaalam na ng pulisya kung may kinalaman sa pagiging barangay tanod ng biktima ang motibo sa krimen.

vuukle comment

ANG

ART BRUAL JR.

BARANGAY STA

BIKTIMA

BUMULAGTA

CATALINA NORTE

DAKONG

HABANG

INAALAM

KINILALA

NANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with