Magsasaka hinalay umano ang 2 anak
MANILA, Philippines – Nakakulong ngayon ang isang magsasaka sa Kidapawan City jail dahil sa umano’y panghahalay sa kaniyang dalawang anak.
Hindi pinangalanan ng mga awtoridad ang 35-anyos na magsasaka na ginagalaw umano ang mga anak na kapwa nasa grade school pa lamang tuwing aalis ang kanilang ina.
Tiniyak naman ng ina ng mga biktima na makikipagtulungan siya upang mapanagot ang asawang suspek.
“He will be prosecuted to the fullest extent of law,” pahayag ni Senior Inspector Samuel Bascon, deputy Kidapawan City police director.
Napag-alamanan ang panghahalay ng magsasakang ama sa kaniyang mga anak matapos dumulog sa dzND Catholic radio station ang lolo ng mga biktima.
- Latest