^

Probinsiya

Mga kidnaper ng 3 banyaga, Pinay pinalibutan na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napapaligiran na ng tropa ng militar at pulisya ang pinagdalhan ng mga kidnaper sa tatlong banyaga at isang Pinay kaugnay ng patuloy na search and rescue operations sa rehiyon ng Davao.

“We have good leads and were expecting breakthrough,” ani AFP Eastern Mindanao Command Lt. Gen. Aurelio Baladad  kasunod naman ng ipinalabas na cartographic sketch ng pulisya sa isa sa mga suspek.

Gayon pa man, tu­manggi muna ang opis­yal na tukuyin ang lugar na target ng kanilang operasyon upang hindi magkabulilyaso sa rescue operations.

Ang mga hostages na sina Kjartan Sekkingstad, Norwegian; may-ari ng Holiday Oceanview Resort; John Ridsdel at Robert Hall gayundin ang Pinay na si Maritess Flor ay binihag ng mga armadong kalalakihan, 11 sa mga ito ay nakunan sa CCTV camera matapos sumalakay sa Island Garden City of Samal, Davao del Norte noong Lunes ng gabi.

Sinasabing ang mga bihag ay dinala muna ng mga kidnaper sa kagubatan ng Davao del Norte malapit sa kampo ng Moro National Liberation Front (MNLF) habang humanahap ng tiyempo na makapaglayag muli sa karagatan para itakas ang apat na mga bihag.

Ayon kay Baladad, ang grupong bumihag sa mga biktima ay mula pa sa Sulu na dumayo lamang sa Island Garden City of Samal.

Nabatid na ang cartographic sketch ay base sa paglalarawan ng Haponesa na si Kazuko Tripp na nakatakas kasama ang mister nito matapos na tumalon sa dagat.

Sa panig naman ni AFP Spokesman Col. Restituto Padilla, hindi pa nakalalayo sa Davao Region ang mga kidnaper at may tropa ng gumagalaw sa Compostela Valley, Davao Oriental at sa buong probinsya ng Davao upang mailigtas ang mga bihag.

ACIRC

ANG

AURELIO BALADAD

COMPOSTELA VALLEY

DAVAO

DAVAO ORIENTAL

DAVAO REGION

EASTERN MINDANAO COMMAND LT

HOLIDAY OCEANVIEW RESORT

ISLAND GARDEN CITY OF SAMAL

MGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with