23 kabataan nalason sa ice cream
NORTH COTABTO, Philippines – Umaabot sa 23 kabataan ang nalason matapos kumain ng ice cream sa dinaluhan nilang birthday party sa Barangay New Iloilo, bayan ng Tantangan, South Cotabato kamakalawa. Ayon kay Darwin Dar, municipal health nurse II ng Tantangan Health Office, nasa siyam na kabataan ang ginagamot sa Municipal Health Center habang 14 naman ang nanatili sa magkahiwalay na pagamutan sa Koronadal City. Napag-alamang dumalo sa birthday party ang mga biktima kung saan makalipas ang ilang oras ay nakaranas ng pagkahilo, pagtatae, at pasusuka kaya isinugod sa iba’t ibang ospital. Kasalukuyang sinusuri ang sample na ice cream na nakalason sa mga biktima habang mino-monitor pa ang kalagayan ng ilang kabataan na dinala naman sa iba pang pagamutan.
- Latest