^

Probinsiya

2 piloto dedo sa plane crash

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Patay ang dalawang piloto makaraang bumagsak ang eroplano ng flying school sa likurang bahagi ng sabungan sa Brgy.Lalangan, bayan ng Plari­del, Bulacan kamakalawa ng hapon.

Hindi na umabot ng buhay sa Bulacan Medical Cen­ter si Capt. Arthur Rebollido, 40, training instructor at nakatira sa Cubao, Quezon City habang namatay naman sa Our Lady of Mercy Hospital ang estudyanteng piloto na si Capt. James Phillip Oquialda, 24, ng West Service Road sa Parañaque City.

Sa inisyal na ulat nina SPO2 Merwin Lopez at PO1 Gabriel Santos, nagsasagawa ng test flight ang dalawa na lulan ng Cessna 150 plane (RPC-8691) na pag-aari ng Fliteline Aviation mula sa Plaridel Airport nang biglang nagkaaberya ang makina nito.

Agad na bumulusok ang nasabing eroplano sa likurang bahagi na cockfit arena sa Barangay Lalangan kung saan nagaganap ang sabong.

Gayon pa man, hindi sumaklolo ang mga nagsasa­bong kundi mga residente pa ang nagdala sa mga biktima patungo sa magkahiwalay na ospital.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ARTHUR REBOLLIDO

BARANGAY LALANGAN

BULACAN MEDICAL CEN

CAPT

FLITELINE AVIATION

GABRIEL SANTOS

JAMES PHILLIP OQUIALDA

MERWIN LOPEZ

OUR LADY OF MERCY HOSPITAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with