^

Probinsiya

Binatilyo huli sa P.7-M droga

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang menor-de-edad na pinaghihinalaang drug courier ang inaresto ng pinagsanib na puwersa ng anti-narcotics operatives ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) sa isang  anti-drug operation sa Puerto Prin­cesa City, inulat kahapon.

Sa ulat kay PDEA Director General Usec. Arturo Cacdac, Jr., ang suspek na hindi pinangalanan ay isang 16-anyos na lalaki  mula sa Barangay Pagkakaisa, Poblacion, Puerto Princesa City.

Sinasabing nagsagawa ng anti-drug operation ang Puerto Princesa City Police at Puerto Princesa City Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group sa isang kilalang courier na nagresulta sa pagkakahuli sa binatilyo na nagsabing ang dala niyang pac­kage ay naglalaman ng grocery items.

Pero nang buksan ang kahon sa harap ng mga barangay officials, kinatawan ng media at  opera­ting team, tumambad dito ang shabu na may timbang na 75 gramo at may street value na P700,000.

Ang suspek ay ipinasa na sa Puerto Princesa City Social Welfare and Development Office para sa kaukulang kustodya.

Sasampahan din siya ng kasong paglabag sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) ng Article II  RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ARTURO CACDAC

BARANGAY PAGKAKAISA

DIRECTOR GENERAL USEC

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS ACT

DRUGS SPECIAL OPERATIONS TASK GROUP

MIMAROPA

NBSP

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PUERTO PRIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with