Sekyu dakma sa bank robbery
BULACAN, Philippines – Aabot sa P.3 milyong cash ang natangay sa naganap na bank robbery sa Barangay Pagala sa bayan ng Baliwag, Bulacan kamakalawa.
Subalit sa loob ng 24-oras ay nasakote naman ang pangunahing suspek na si Gerardo Macapagal, 41, security supervisor ng Bagong Pag-Asa Security Agency, asawa ng isa sa kawani ng banko at nakatira sa Barangay Talang sa bayan ng Candaba, Pampanga.
Sa police report na isinumite kay P/Supt. Enrico Vargas, pinasok at dinisarmahan ng suspek ang security guard na si Rowell Mallari ng Rural Bank of Pandi.
Pinadapa ng suspek ang mga kawani ng banko saka inatasan ang bank manager na si Jocelyn Santos na ibigay ang P.338 cash at mga personal na gamit ng mga kawani.
Matapos makulimbat ang malaking halaga ay kaagad na tumakas ang suspek patungo sa direksyon ng Brgy. Pagala.
Gayon pa man, sa nakalap na impormasyon ng pulisya sa pagkakakilanlan ng suspek ay nasakote ang ito sa kanyang bahay kung saan narekober ang nasabing halaga, mga personal na gamit ng mga kawani at ang ginamit na cal. 38 revolver.
- Latest






















