Big time lady ‘pusher’ huli
TUGUEGARAO CITY, Philippines - Naaresto matapos masamsaman ng pitong gramo ng shabu at baril ang isang big time na tulak kasunod ng pakikipag-habulan ng sasakyan sa mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Purok 19, Quirino Highway, Barangay Irisan, Baguio City kamakalawa ng madaling-araw. Sinabi ni PDEA Cordillera Dir. Juvenal Azurin, nakatakas ang dalawang lalaking kasama ni Annabelle Malapit, 40, kasunod ng nangyaring habulan ng kotse nang matunugan ang operasyon. Nakuha kay Malapit ang tatlong sachets ng shabu, isang cal.9mm baril, P16,500 mark money mula sa undercover agent at ang ginamit na kotse na isang KIA Rio (YHR 663) sa pagsasagawa ng drug transactions. Samantala, nasakote si Efren Datul, 21, ng Brgy. Calamagui, San Pablo, Isabela matapos magbenta ng dalawang sachet ng shabu sa isang Police poseur-buyer sa Brgy. Ugad, Cabagan, Isabela.
- Latest