^

Probinsiya

Panaderya grinanada

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Kumpetensiya sa negosyo ang tinitingnang anggulo ng pulisya sa pagpapasabog ng granada sa outlet ng 24-hours Pandesal Bakery sa downtown ng Aparri, Cagayan kamakalawa ng madaling araw. Ayon kay SPO1 Florentino Usita, wasak ang Jemong’s Malungay Pandesal sa tabi mismo ng fastfood chain sa Derivera Street subalit  walang nasugatan sa insidente na naganap dakong alas-3: 30 ng madaling araw. Ayon sa ser­vice crew na si Angelica Diego, nakasakay sa motorsiklo ang naghagis ng granada mismo sa harapan ng panaderya kung saan sumigaw pa ng “Matay Kayun” (mamamatay na kayo) saka humarurot tumakas. Isang passenger van at dalawang motorsiklong nakaparada ang nawasak dahil sa matinding pagsabog.

ACIRC

ANGELICA DIEGO

APARRI

AYON

DERIVERA STREET

FLORENTINO USITA

ISANG

JEMONG

MALUNGAY PANDESAL

MATAY KAYUN

PANDESAL BAKERY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with