^

Probinsiya

Trader dinedo, ninakawan

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines – Pinatay matapos na pagnakawan ang 56-anyos na negosyante matapos itong pagtulungang saksakin ng dalawang di-kila­lang babae na nakasama nito sa kantahan sa pag-a­aring tindahan sa General Luna Street, Barangay Poblacion 5 sa bayan ng Sariaya, Quezon kamakalawa ng gabi.

Tadtad ng saksak sa buong katawan at naliligo sa sariling dugo sa palikuran ang biktimang si Mario Tan Gagalac,  may-asawa, may-ari ng San Dionisio Guns and Ammu at nakatira sa Barangay Antipolo.

Sa salaysay ng kapatid na si Ernesto, may nakita siyang dalawang babae na palakad-lakad sa labas ng tindahan ng biktima kung saan pumasok at nakipagkantahan sa videoke machine.

Makalipas ang isang oras ay nakitang umalis ang mga babae kaya inusisa ni Ernesto ang tindahan at nadiskubre ang biktimang naliligo sa sariling dugo sa palikuran.

Sa pagsisiyasat ay natuklasan na nawawala ang hindi pa mabatid na halaga ng pera, dalawang cellphne at mga alahas na nagkakahalaga ng P.2 milyon na tinangay ng dalawa.

ACIRC

ANG

BARANGAY ANTIPOLO

BARANGAY POBLACION

ERNESTO

GENERAL LUNA STREET

MAKALIPAS

MARIO TAN GAGALAC

PINATAY

QUEZON

SAN DIONISIO GUNS AND AMMU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with