^

Probinsiya

8 utas sa bakbakan ng 2 kumander ng MILF

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines  - Pumalo na sa walo-katao ang naiulat na napatay habang aabot naman sa 500 ang nagsilikas sa naganap na sagupaan ng dalawang kumander ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa liblib na bahagi ng Barangay Napnapan sa bayan ng Palimbang, Sultan Kudarat noong Sabado ng gabi.

Sa ulat na nakarating sa Sultan Kudarat PNP, nagkasagupa ang grupo nina Kumander Bonde Binago ng MILF 105th BC at Kumander Brian Andi ng MILF 104th BC sa nasabing barangay.

Dahil sa tindi ng bakbakan ng magkabilang panig, aabot sa 500 residente ang nagsilikas sa takot na maipit sa madugong engkuwentro.

Sa pahayag naman ni Palimbang chief of P/Senior Inspector Romeo Calamba, hepe ng Palimbang MPS, bukod sa walo ang napatay ay 11 naman ang nasu­ga­tan mula sa magkabilang panig.

Lumabas sa report na inatake ng mga tauhan ni Kumander Andi mula sa Barangay Kanipaan ang pinagkukutaan ng mga tauhan ni Kumander Binago bilang paghiganti sa pagkamatay ng kasama­hang si Kadil Kongo at ng 8-anyos na batang lalaki na tinamaan ng ligaw na bala mula sa riding-in-tandem gunmen noong Linggo ng Agosto 2.

Tatlo sa napatay ay mga tauhan ni Binago habang dalawa naman sa panig ni Andi.

Samantala, nagpadala na ng emisaryo si Maguindanao Sultan Salem Abdulaziz Guiwan Mastura Kudarat V para mapigilan ang lumalalang sigalutan ng dalawang kumander ng MILF.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

BARANGAY KANIPAAN

BARANGAY NAPNAPAN

KADIL KONGO

KUMANDER ANDI

KUMANDER BINAGO

KUMANDER BONDE BINAGO

KUMANDER BRIAN ANDI

PALIMBANG

SOCCSKSARGEN

SULTAN KUDARAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with