Jeep hulog sa bangin: 2 utas, 2 malubha
TUGUEGARAO CITY, Philippines - Dalawang katao ang patay habang dalawa pa ang nasa malubhang kalagayan matapos mahulog ang kanilang sinasakyang jeepney sa isang malalim na bangin sa Sitio Impugong, Barangay Baculongan Sur, Buguias, Benguet kamakalawa. ?
Sa report kay Chief Insp. Fernando Botangen, hepe ng Buguias PNP; dead-on-the-spot ang driver ng jeepney (DGG-1105) na si Jay-ar Riquardo, tubong Tabuk City, Kalinga at pasahero na si Mariano Dominguez Sr. ng Loo, Buguias.?
Inoobserbahan naman sa Lutheran Hospital ang dalawa pang biktima na sina Jay-ar Bogao Calilao ng Conner Apayao at Myrna Dominguez, misis ng nasawing pasahero.?
Nabatid na isang pasahero na si Jojo Dodong Briones ng Cervantes, Ilocos Sur ay masuwerteng galos lamang ang tinamo.?
Lumalabas na nagkaroon ng mechanical trouble ang sasakyang minamaneho ni Riquardo sanhi upang mawalan ng kontrol at mahulog sa may 100 metrong bangin.
- Latest