Magsasaka kinatay ng kainuman
QUEZON, Philippines – Nagmistulang kinatay na hayop ang katawan ng 49-anyos na magsasaka matapos itong pagtatagain ng kanyang kainumang kapitbahay kamakalawa ng madaling araw sa Barangay Manlampong, bayan ng San Narciso, Quezon. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Martin Avila habang pinaghahanap naman ang suspek na si Aljir Oplas, kapwa nakatira sa nasabing barangay. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, tumangging pakipagtagayan ang biktima sa suspek dahil sa kalasingan nito. Gayon pa man, sumiklab ang galit ng suspek nang pauwiin siya ng biktima kaya naganap ang pananaga.
- Latest