^

Probinsiya

Dalagita pinilahan ng 8-manyakis

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Maagang nawasak ang  maselang bahagi ng 15-anyos na dalagita matapos itong pilahan ng walong senglot na manyakis sa abandonadong kubo sa Barangay Parada, bayan ng Sta. Maria, Bulacan kahapon ng madaling araw.

Arestado naman ang mga suspek na sina Jaymark Alfonte, 18; Ariel Cierva, 22; Albert Cierva, 21; Rowell Capistrano, 21; Resty Talangan, 20; Delfin Beraquit, 19; at ang dalawang menor-de-edad na lalaki na pawang nakatira sa M. Santiago Street sa nabanggit na barangay.

Ayon kay PO2 Junelyn Dela Cruz ng Women’s and Children Complaint Desk , magkasamang nag-iinuman ang mga suspek nang alukin ang biktimang naglalakad na kasama ang isa pang kaibigan.

Gayon pa man, pinagbigyan ng biktima ang alok ng mga suspek na maki­pag-inuman kung saan ito nakaramdam ng pagkahilo matapos uminom ng ilang tagay ng alak.

Sinamantala naman ni Alfonte ang pagkahilo ng dalagita saka dinala sa abandonadong kubo kung saan sinundan ng iba pang suspek saka halinhinang ginahasa.

Nakatakas naman ang biktima matapos iwanan ng mga suspek sa kubo kaya nakapagsumbong sa kanyang tiyahin kung saan nagreklamo sa himpilan ng pulisya.

vuukle comment

ALBERT CIERVA

ARIEL CIERVA

BARANGAY PARADA

CHILDREN COMPLAINT DESK

DELFIN BERAQUIT

JAYMARK ALFONTE

JUNELYN DELA CRUZ

RESTY TALANGAN

ROWELL CAPISTRANO

SANTIAGO STREET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with