^

Probinsiya

Misis tumanggi sa sex, pinagtataga ng lover

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasa kritikal na kondisyon ngayon ang isang 49 anyos na biyuda matapos na pagtatagain ng lover nitong 74 anyos na lolo nang tumangging makipag-sex ang babae sa Brgy. Banaoang, Calasiao, Pangasinan kamakalawa ng madaling-araw

Kinilala ang biktima na si Carmelita Carbonell, patuloy na nilalapatan ng lunas sa Trauma Hospital sa Dagupan City sa tinamong mga taga sa kanyang ulo. Arestado naman at ngayong nahaharap sa kasong frustrated homicide ang suspek na si Rogelio Molina, residente ng Brgy. Bolosan, Dagupan City.

Sa ulat ng Pangasinan Police, mahimbing na natutulog ang ginang dakong alas-12:30 ng madaling araw sa kaniyang tahanan sa Brgy. Banaoang, Calasiao nang biglang dumating ang lover nito  na nakainom ng alak.

Agad ginising ng matandang lalaki ang ginang at niyaya itong mag-sex pero dahil pagod ang biktima ay tumanggi ito kaya nairita ang matanda at pinagtataga ang biktima.

Nasakote ang suspek ng mga kamag-anak ng ginang  na nagawang makasigaw ng saklolo kung saan itinurn-over ito sa kustodiya ng Calasiao Police.

vuukle comment

ARESTADO

BANAOANG

BRGY

CALASIAO

CALASIAO POLICE

CARMELITA CARBONELL

DAGUPAN CITY

PANGASINAN POLICE

ROGELIO MOLINA

TRAUMA HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with