^

Probinsiya

Lider ng Justice Islamic Movement, 4 pa arestado

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bumagsak sa pinagsanib na elemento ng mi­litar at pulisya ang lider ng breakaway group ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na Justice Islamic Movement at limang iba pa  na sinasabing sangkot sa pagpatay sa 44 Special Action Force (SAF) commando sa bayan ng Mamasapano, Maguindanao sa isinagawang follow-up operations sa Barangay Calumpang, General Santos City, South Cotabato kamakalawa ng gabi.

Sa ulat na tinanggap ni AFP Chief of Staff Gen. Gregorio Pio Catapang Jr., kinilala ang mga suspek na sina Mohammad Ali Tambako, commander ng BIFF; Ali Ludisman, Abdusama Badrudin Guiamel, Datukan Kadiwang, at isang alyas Ibrahim.

Ang grupo ni Tambako ay tumiwalag sa BIFF bago nagtatag ng panibagong grupong ng teroristang Justice Islamic Movement.

Bandang alas-9 ng gabi nang maaresto ang mga suspek sa isinagawang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Southern Mindanao Criminal Investigation Detection Unit, Intelligence Service Group, Task Force General Santos, 1002nd Infantry Brigade at General Santos City PNP.

Nabatid na lulan ng da­lawang traysikel ang mga suspek patungo sa pantalan ng General Santos City nang masakote sa bisa ng warrant of arrest sa kasong murder at double frustrated murder na inisyu ni Judge George Jabido.

Nasamsam sa mga suspek ang tatlong granada at armas kung saan hindi na pumalag nang dakpin ng mga elemento ng pulisya at militar.

Sa tala ng AFP, ang BIFF ay breakaway group ng MILF kung saan si Tambako ang sumunod nitong pinuno matapos na magkasakit ang lider ng grupo na si Commander Ameril Umbra Kato.

ABDUSAMA BADRUDIN GUIAMEL

ALI LUDISMAN

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

BARANGAY CALUMPANG

CHIEF OF STAFF GEN

COMMANDER AMERIL UMBRA KATO

DATUKAN KADIWANG

GENERAL SANTOS CITY

JUSTICE ISLAMIC MOVEMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with