Army vs Sayyaf: 7 dedo, 23 sugatan
MANILA, Philippines – Aabot sa limang bandidong Abu Sayyaf at dalawang sundalo ang napaslang habang dalawampu’t tatlo naman ang nasugatan kabilang ang siyam sa sundalo sa naganap na umaatikabong bakbakan sa liblib na bahagi ng Barangay Tanum, bayan ng Patikul, Sulu kahapon ng umaga.
Sa ulat na nakarating kay Lt. Col. Harold Cabunoc, nakasagupa ng tropa ng 16th Special Forces Company at 1st Special Reconnaissance Batallion ng Joint Task Group (JTG) Sulu ang mga bandido na pinamumunuan ni Abu Sayyaf Sub-Commander Sawadjaan.
Nasa limang Abu Sayyaf ang bumulagta sa encounter site sa kasagsagan ng artillery fires habang aabot naman sa labing-apat ang sugatang namataang tumatakas.
Sa kasalukuyan, ayon pa sa opisyal ay naglatag na rin ng blocking at checkpoint operations upang harangin ang mga bandidong nagsisitakas.
Sa tala, lumilitaw na walo pang kinidnap ng Abu Sayyaf Group ang nanatiling hawak ng mga bandido nagtatago sa kagubatan ng Sulu.
- Latest