^

Probinsiya

5 magkakapatid tupok sa sunog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng limang magkakapatid matapos matusta sa kanilang bahay na nasunog kamakalawa ng gabi sa Barangay Capinonan, bayan ng Cabanglasan, Bukidnon.

Sa police report na isi­numite sa Camp Crame, Bandang alas-7 ng gabi nang magsimulang tupukin ng apoy ang bahay ng mag-asawang Richie Linggoyan, 30; at Anabel Linggoyan sa Purok 13, Sitio Bangkal sa nasabing barangay.

Ayon sa imbestigasyon, iniwan ng mag-asawang Linggoyan ang natutulog nilang mga anak na sina Dolorisa, 11; Glen, 10; Harold Jay, 5; Anarel, 3; at si Arian Linggoyan, 2 kung saan nagtungo ang dalawa sa tindahan ni Magdalena Endrina sa kabilang ibayo upang mag-videoke at uminom ng alak.

Nilamon ng apoy ang buong kabahayan na sinasabing nagsimula ang apoy sa natumbang gasera sa sala na tinutulugan ng magkakapatid kaya naganap ang trahedya.

Nabigong mailigtas ang mga bata dahil sa matinding init na bumalot sa kabahayan ng mga biktima.

Nagawa namang makaligtas ng 12-anyos na pa­nganay ng mag-asawa na si Angelo Linggoyan matapos na iwanan ang magkapatid para sunduin sa inuman ang mga magulang.

Rumesponde sa sunog ang mga tauhan ng Ca­bang­lasan PNP at Bureau of Fire Protection (BFP) kung saan narekober ang mga bangkay ng magkakapatid na halos hindi na makilala sa grabeng pagkatusta ng mga katawan.

ANABEL LINGGOYAN

ANGELO LINGGOYAN

ARIAN LINGGOYAN

BARANGAY CAPINONAN

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CAMP CRAME

HAROLD JAY

MAGDALENA ENDRINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with