^

Probinsiya

Batang dinukot ng Abu, pinalaya

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinalaya na ng mga bandidong Abu Sayyaf ang siyam na taong gulang na totoy na dinukot sa Sulu, ayon sa militar kahapon. Kinilala ni Captain Rowena Muyuela, Army’s regional spokesperson ang biktima na si Eljun Esteven Marzo. Bandang alas-4:10 ng hapon nitong nakalipas na dalawang araw ng pakawalan ang bata sa bahagi ng Sitio Kuppong, Barangay Paligue sa bayan ng Indanan. Si Marzo ay binihag noong Enero 6 habang naglalaro sa labas ng kanilang bahay sa Barangay Asturias sa bayan ng Jolo, Sulu. Wala namang impormasyon ang militar kung may kapalit na ransom ang pagpapalaya sa bata na isinailalaim sa medical examination bago dalhin sa kaniyang mga magulang. Patuloy naman ang search and rescue operations ng Joint Task Group Sulu na pinamumunuan ni Col. Alan Arojado sa mga nalalabi pang bihag ng mga bandido.

ABU SAYYAF

ALAN AROJADO

BANDANG

BARANGAY ASTURIAS

BARANGAY PALIGUE

CAPTAIN ROWENA MUYUELA

ELJUN ESTEVEN MARZO

JOINT TASK GROUP SULU

SI MARZO

SITIO KUPPONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with