^

Probinsiya

Miyembro ng action team, itinumba sa iskul

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines – Patay matapos magtamo ng mga tama ng bala sa ulo at katawan ang isang miyembro ng Dasma­riñas Action team matapos na pagbabarilin ng ’di nakilalang suspek habang ina­antabayanan ng biktima ang paglabas ng kanyang anak sa eskwelahan, kamakalawa ng gabi sa Brgy. San Simon, Dasma­riñas City, Cavite.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Mario Almacen, 56, may-asawa, residente ng Blk M1, Lot 5, Brgy. Sta. Cristina 2, ng lunsod na ito.

Tinutukoy pa ng awtoridad ang suspek na mabilis na tumakas sakay ng puting kotse na Sedan na di nakuha ang plaka.

Sa report ni PO3 Fer­nando Angeles, alas-6:30 ng gabi habang naghihintay ang biktima sa estudyanteng anak sa tapat ng Dasmariñas East National High School upang sunduin nang isang kotseng puti sakay ang armadong suspek ang tumapat sa kanya at walang sabi sabing pinagbabaril.

Bunsod sa rami ng tama ng bala, agad na namatay ang biktima at narekober ng pulisya sa lugar ang tatlong piraso ng fired cartidge ng cal 45.

vuukle comment

BRGY

BUNSOD

CAVITE

CRISTINA

DASMA

EAST NATIONAL HIGH SCHOOL

MARIO ALMACEN

SAN SIMON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with