^

Probinsiya

AFP naglunsad ng opensiba vs BIFF

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naglunsad na ng opensiba ang tropa ng militar laban sa pasaway na grupo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Brgy. Bulol, Pikit, North Cotabato kahapon.

Ayon kay Capt. Joan Petinglay, Spokesperson ng 6th Infantry Division ng Philippine Army, layunin ng kanilang hakbang na maitaboy ang puwersa ng BIFF na nagiging dahilan ng puwersahang paglilikas ng mga residente sa Pagalungan, Maguindanao at Pikit, North Cotabato.

Pinaniniwalaan na marami ang nalagas sa puwersa ng BIFF bagaman hindi pa masabi ang eksaktong bilang dahilan patuloy pa ang manakanakang bakbakan sa pagitan ng magkabilang panig.

Binigyang-diin ni Peting­lay na hindi nila hahayaan na magpatuloy ang panggugulo ng BIFF sa mga nasabing lugar at iiwasan na umabot pa sa mga kalapit na barangay ang tensyon.??

Sinasabing ang Kagi Karialan group ng BIFF na siya ring nakasagupa ng napatay na 44 commandos ng Special Action Force (SAF) ay nagtago sa pitong barangay sa bayan ng Pikit at kalapit pang barangay pagkatapos ng madugong labanan.

Ang law enforcement operations ay upang ma­supil ang BIFF na sina­sabing may hawak na sampung baril ng SAF commandos na napaslang sa madugong bakbakan sa Mamasapano, Maguin­danao noong Enero 25.

Samantalang sinunog din umano ng BIFF ang mga bahay ng sibilyan sa mga nasabing barangay na dahilan upang mabulabog at matakot ang mga ito na nagsilikas bunga ng insidente.

vuukle comment

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

BIFF

INFANTRY DIVISION

JOAN PETINGLAY

KAGI KARIALAN

NORTH COTABATO

PHILIPPINE ARMY

PIKIT

SPECIAL ACTION FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with