^

Probinsiya

2 pulis utas sa nag-amok na adik na parak sa Bukidnon

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinasabugan ng isang adik na pulis ang kanyang hepe at isa pang kasamahan sa isang bayan ng Bukidnon kagabi.

Nakilala ang mga nasawing biktima na sina Senior Inspector Crisanto Molina, hepe ng Cabanglasan police, at deputy commander, Inspector Dexter Garcia.

Ayon sa imbestigasyon, nasa isang pagsasalo sa Barangay Poblacion sina Molina at Garcia nang maghagis ng granada ang suspek na si Police Officer 1 Gorospe Cairo bandang 7:20 kagabi.

Nasawi kaagad ang mga biktima sa lakas ng pagsabog.

Isa si Gorospe sa dalawang pulis na nagpositibo sa drug test kahapon ng umaga.

Dinisarmahan si Gorospe kasunod nang pagbagsak sa drug test.

Tinutugis ngayon ng mga awtoridad ang suspek na kaagad tumakas matapos ang insidente.

vuukle comment

AYON

BARANGAY POBLACION

BUKIDNON

CABANGLASAN

DINISARMAHAN

GOROSPE

GOROSPE CAIRO

INSPECTOR DEXTER GARCIA

POLICE OFFICER

SENIOR INSPECTOR CRISANTO MOLINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with