Inhinyero dinedo sa hotel
BULACAN, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 34-anyos na civil engineer matapos itong pagsasaksakin ng kanyang kasamang di-kilalang lalaki sa loob ng hotel sa Barangay Sabang, bayan ng Baliwag, Bulacan kamakalawa ng gabi. Siyam na saksak sa ulo ang tumapos sa buhay ni Ramon Dela Cruz ng Barangay Cambaog sa bayan ng Bustos, Bulacan habang nakatakas naman ang suspek na kasama nitong nag-check-in sa hotel. Ayon kina PO3 Jesrael Yahweh Giron at PO2 George Jay Cruz, nag-check-in ang biktima kasama ang hindi nakilalang lalaki sa Aries Lodge Hotel. Makalipas ang ilang oras ay nagmamadaling lumabas ng kuwarto ang kasamang lalaki kung saan tinangay pa ang motorsiklo ng biktima. Nabatid na tinangay din ng suspek ang dalawang celpone at pitaka ng biktima habang patuloy ang imbestigasyon. Boy Cruz
- Latest