3 kinasuhan sa Zamboanga bombing
MANILA, Philippines – Nahaharap sa kasong double murder at frustrated murder ang tatlong kasabwat ng Abu Sayyaf na nasa likod ng pambobomba sa Zamboanga City nitong Biyernes.
Kinasuhan kahapon ang mga suspek na sina Hadja Babylyn Jul Ismael Muallam, Isharly Muallam at Aldamer Sahibuddin.
“The three arrested suspects were not directly the ones who planted the car bomb but we believe they have knowledge on the incident because the bomb was assembled inside the house compound following the recovery of the evidence,” wika ni Police Superintendent Ariel Huesca, kumander ng police Public Safety Company at tagapagsalita ng City Police Office,
Samantala, pinaniniwalaang nakalabas na ng lungsod ang suspek matapos walang maabutan ang mga awtoridad sa isang bahay sa Sitio Talungon, Barangay San Roque.
Nakuha sa bahay ng Abu Sayyaf member ang M16 Armalite rifle, magazine, 17 balang 5.56 millimeters, electric testers, dalawang dry cell batteries, iba't ibang kable, mobile phone, charger, earphone at isang galong ng gas.
Dalawa ang nasawi sa pagsabog, habang 54 ang sugatan.
- Latest