^

Probinsiya

Misis, 2 anak kinatay muna, mister nag-suicide

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naburyong ang isang mister matapos nitong ma­patay sa saksak ang kaniyang misis at dalawang anak bago nag-suicide sa kanilang bahay sa Iligan City, Lanao del Norte kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang napatay na misis na si Roallyn Hinobele Lanojan, 27, salelady sa ukay-ukay store; mga anak na sina Crisel Joy, 5; at Dodong, 2, habang nagsaksak naman sa sarili ang ama na si Bernabe Lanojan na pawang nakatira sa Barangay Tubod sa nasabing lungsod.

Napag-alamang nabu-labog ang mga kapitbahay ng pamilya Lanojan matapos na marinig ang malalakas na kalabugan at paghingi ng saklolo ng mag-iina kaya tumawag ang mga ito sahimpilan ng pulisya.

Gayon pa man, nang du­­mating ang mga pulis ay napilitan ang mga itong wasakin ang pintuan ng bahay ng pamilya dahil nakakandado kung saan bumungad ang bangkay ng mag-iina.

Samantala, naghihinga­lo pa si Bernabe nang abutan ng mga pulis kaya isinugod sa pagamutan pero namatay din.

Narekober sa crime scene ang patalim na gina­mit ni Bernabe at ang suicide note.

Lumilitaw naman sa imbestigasyon na matinding selos ang ugat ng krimen dahil naghihinala ang suspek na may ibang lalaki ang kaniyang misis kaya palagi itong ginagabi sa pag-uwi.

 

vuukle comment

BARANGAY TUBOD

BERNABE

BERNABE LANOJAN

CRISEL JOY

DODONG

GAYON

ILIGAN CITY

KINILALA

ROALLYN HINOBELE LANOJAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with