^

Probinsiya

Misis tumanggi sa sex sinaksak ng mister

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABTO, Philippines – Kalaboso ang binagsakan ng 35-anyos na mister makaraang saksakin nito ang sariling misis na tumangging magpasiping sa kanya sa Barangay Gang, bayan ng Sultan Kudarat, Maguindanao kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Senior Insp. Esmael Madin, hepe ng Sultan Kudarat PNP ang suspek na si Mohadin Abdul habang sugatan naman ang misis nitong si Samra Abdul, 30, kapwa nakatira sa nasabing barangay.

Sa ulat ng pulisya, bandang alas-10:30 ng gabi nang makarating sa kanilang bahay ang mag-asawa mula sa trabaho. Gayon pa man, niyaya ni Mohadin ang kanyang misis na sumiping su­balit tumanggi ito.

Dahil dito ay uminit ang ulo ni Mohadin kaya sinaksak ang kanyang misis gamit ang bakal na tubong may haba ng 6 pulgada.

Sumaklolo ang mga ka­pitbahay at agad na naisugod sa Cotabato Regional and Medical Center ang biktima habang ang mister nito ay nasa kustodiya na ng Sultan Kudarat PNP.

vuukle comment

BARANGAY GANG

COTABATO REGIONAL AND MEDICAL CENTER

DAHIL

ESMAEL MADIN

MOHADIN

MOHADIN ABDUL

SAMRA ABDUL

SENIOR INSP

SULTAN KUDARAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with