^

Probinsiya

Misis utas sa senglot na mister

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bagsak kalaboso ang isang mister makaraang mapatay sa saksak ang misis nito sa gitna ng mainitang pagtatalo sa  Brgy. Sarmiento, Parang, Maguindanao kamakalawa.

Sa report ng Parang Police kinilala ang biktima na si Hermilinda Mangubat, 50-anyos habang ang suspek na mister nito na si Apolinario Tonatos, 50-anyos.

Lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat ng mga kapulisan na nakainom na ang mag-asawa nang magkasagutan hanggang sa humantong sa pananaksak kung saan nagtamo ng saksak ang biktima sa kanyang dibdib dahilan ng kanyang kamatayan.

Nangyari ang insidente sa unang araw ng pagsalubong ng Bagong Taon.

Patuloy pa ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng mga  awtoridad.

APOLINARIO TONATOS

BAGONG TAON

BAGSAK

BRGY

HERMILINDA MANGUBAT

LUMALABAS

MAGUINDANAO

NANGYARI

PARANG POLICE

PATULOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with