^

Probinsiya

Mister binoga

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

BANGA, SOUTH COTABATO, Philippines – Dead-on-the-spot ang isang lalaki makaraang paulanan ng bala ng riding in tandem sa tahanan nito sa Purok Bonifacio, Bario 5, Banga, South Cotabato kahapon.

Kinilala ni PO3 Chrislino Arang, ng Banga PNP,  ang biktima na si Dave Lemuel Leonida Mendiola, 26, binata at residente ng lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon, kumakain umano ito sa loob ng kanilang tahanan  ng dumating ang dalawang suspek na nakasakay ng kulay asul na motorsiklo na walang plate number.

Naka-bonnet ang isa sa mga suspek habang nakasuot naman ng helmet ang isa.

Lumapit umano sa pintuan si Mendiola upang alamin kung sino ang dumating ngunit pinagbabaril na ito sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang limang basyong cartridge ng kalibre .45 at anim na slugs.

Ang mga suspek ay mabilis na tumakas patungo sa hindi pa malamang destinasyon. Isinasailalim pa ng pulisya sa masusing imbestigasyon ang kasong ito.

vuukle comment

BARIO

CHRISLINO ARANG

DAVE LEMUEL LEONIDA MENDIOLA

ISINASAILALIM

KINILALA

LUMAPIT

MENDIOLA

NAKA

PUROK BONIFACIO

SOUTH COTABATO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with