^

Probinsiya

Trak swak sa bangin: 1 patay, 5 kritikal

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Imbis na Bagong Taon ay si kamatayan ang sumalubong sa isang pahinante habang lima nitong kasamahan ang malubhang nasugatan matapos mahulog ang truck sa may 300 metrong lalim na bangin sa Barangay Catubo, bayan ng Atok, Benguet kamakalawa.  Kinilala ni P/Sr. Insp. Cesar Mallong ang namatay na si Oliver Sagsago habang kritikal naman sa Benguet General Hospital ang driver na si Terrence Banwagen at mga kasamahang pahinante na sina Willy Banwagen, Jessie Elesiz Quiangao, Ricky Mike Balbueva, at si Jay-ar Yubos. Sa inisyal na ulat ng pulisya, nawalan ng preno ang truck na kargado ng tone-toneladang ipot ng manok habang bumabagtas sa kurbadang bahagi ng bulubunduking highway. Hindi na nakontrol ng driver ang manibela hanggang sa magtuluy-tuloy sa matarik na bangin.?

BAGONG TAON

BARANGAY CATUBO

BENGUET GENERAL HOSPITAL

CESAR MALLONG

JESSIE ELESIZ QUIANGAO

OLIVER SAGSAGO

RICKY MIKE BALBUEVA

SR. INSP

TERRENCE BANWAGEN

WILLY BANWAGEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with