^

Probinsiya

5 kawani tiklo sa missing P5.6-M

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Kalaboso ang limang kawani ng pawnshop  matapos arestuhin ng pulisya kaugnay sa nawawalang P5.6 milyong halaga ng alahas at cash sa Barangay Poblacion, Meycauayan City, Bulacan kamakalawa ng hapon. Pormal na sinampahan ng kaukulang kaso ang mga suspek na sina Lanie Dullesco, 40; Lerma Dullesco, 38, mga nakatira sa Brgy. Libtong; Christoper Derutas, 33; Derson Derutas, 28, kapwa nakatira sa Meyland Subd, Brgy. Lawa; at si Jesus Digdigan, 36, ng Brgy. Poblacion. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. David Poklay, inireklamo ng mag-amang may-ari ng Yason-De Vega Pawnshop na sina Ma. Christina Pineda at Lucilo De Vega ang mga suspek kaugnay sa nawawalang mga alahas at cash na nagkakahalaga ng P5.6 milyon mula sa dalawang sangay ng nasabing bahay-sanglaan. Nadis­kubre ang pagkawala ng mga alahas at cash matapos na sorpresang mag-imbentaryo ang tiyahin ni Ma. Christina sa dalawang bahay-sanglaan.

vuukle comment

BARANGAY POBLACION

BRGY

CHRISTINA PINEDA

CHRISTOPER DERUTAS

DAVID POKLAY

DERSON DERUTAS

JESUS DIGDIGAN

LANIE DULLESCO

LERMA DULLESCO

LUCILO DE VEGA

MEYCAUAYAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with